Isang maagang pamaskong handog ang hatid ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga kawani ng pamahalaan matapos ianunsyo ang paglalabas ng year-end bonus at ₱5,000 cash gift ngayong Nobyembre 2025.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, alinsunod sa Budget Circular No. 2024-3, ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay, at ito ay ipamamahagi kasabay ng unang payroll ng Nobyembre.
Sa kabuuan, ₱72.93 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa mga bonus at cash gift na tatanggapin ng mahigit 1.85 milyong mga kawani ng gobyerno, kabilang ang mga sibilyan, militar, at uniformed personnel.
“Ito ay pagkilala sa dedikasyon at serbisyo ng ating mga lingkod-bayan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa patuloy ninyong paglilingkod sa bayan,” ayon kay Pangandaman.
Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa kapakanan ng mga lingkod-bayan — isang konkretong paraan upang ipadama ang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang tapat na serbisyo sa sambayanan.







Views Today : 2
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 873
Views Last 30 days : 3829
Views This Month : 3226
Views This Year : 29820
Total views : 41955
Leave a Reply