OLD KABAKAN, North Cotabato (Nobyembre 3, 2025) — Patuloy na isinasakatuparan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) ang mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng kabataan at pagpapaigting ng edukasyon sa mga komunidad ng Bangsamoro, sa pamamagitan ng Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan (ABaKa) Program.
Sa ginanap na payout activity sa covered court ng Barangay Nangaan, kabuuang 302 indigent student beneficiaries ang nakatanggap ng financial educational assistance mula sa MSSD.
Ayon sa ulat, 63 college students ang tumanggap ng tig-₱10,000, 122 high school students ng tig-₱3,000, at 108 elementary pupils ng tig-₱2,000. Kasama rin sa mga nabigyan ng tulong ang siyam (9) na benepisyaryo mula sa Unlad Pamilyang Bangsamoro Program, na tumanggap ng karagdagang pinansyal na tulong para sa kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng pamumuno ng MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie, layunin ng ABaKa Program na mabigyan ng pantay na pagkakataon ang bawat kabataang Bangsamoro na maabot ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kahirapan.
“Edukasyon ang pinakamabisang puhunan para sa pagbabago. Sa pamamagitan ng programang ito, nais naming tiyakin na walang batang Bangsamoro ang maiiwan,”
— pahayag ng MSSD sa naturang aktibidad.
Ang programang ABaKa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bangsamoro Government na isulong ang inclusive development sa rehiyon — kung saan ang bawat kabataan ay binibigyan ng pagkakataong umangat sa pamamagitan ng edukasyon at disiplina.








Views Today : 63
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 622
Views Last 30 days : 3527
Views This Month : 2092
Views This Year : 17954
Total views : 30089
Leave a Reply