PDRRMO MAGUINDANAO DEL SUR, MULING NAGSAGAWA NG GIVE HEART COMMUNITY CONVERGENCE SA AMPATUAN

“Bawat puso, handang tumulong—Give Heart for Resilient Communities.”

AMPATUAN, MAGUINDANAO DEL SUR — Sa patuloy na pagpapaigting ng kahandaan at resiliency ng mga pamayanan, matagumpay na isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Maguindanao del Sur ang panibagong yugto ng Give Heart Community Convergence on DRRM Works sa municipal covered court ng Ampatuan.

Pinangunahan ng mga Emergency Medical Technicians (EMTs) at mga bihasang rescuers ang pagsasanay na nagbigay ng Basic Life Support (BLS) training sa mga barangay responders at piling ulo ng pamilya mula sa mga bayan ng Ampatuan, Datu Hoffer, at Datu Abdullah Sangki.

Mahigit 150 kalahok ang aktibong lumahok sa convergence, na naglayong bigyan sila ng mga kasanayan at kaalaman sa pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.

Kasabay nito, namahagi rin ang PDRRMO ng Information, Education, and Communication (IEC) materials tungkol sa iba’t ibang uri ng panganib at kalamidad upang mapaigting ang kamalayan ng mga residente.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng community readiness and response capabilities, nagbigay rin ang tanggapan ng hygiene kits, first aid kits, at generator sets sa bawat kalahok na bayan — mga kagamitang magagamit sa oras ng emergency at pagkawala ng kuryente.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Give Heart flagship program ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, na nakatuon sa pagpapalaganap ng kalusugan, kahandaan, at kabutihan ng mga mamamayan ng Maguindanao del Sur.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na ipinapakita ng pamahalaang panlalawigan ang diwa ng moral governance at malasakit sa kapwa, bilang tugon sa layuning magkaroon ng mas ligtas, mas matatag, at mas maayos na komunidad sa Bangsamoro region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020619
Views Today : 70
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 629
Views Last 30 days : 3534
Views This Month : 2099
Views This Year : 17961
Total views : 30096