Sa ilalim ng bughaw na langit ng Datu Paglat, umalingawngaw ang halakhak ng mga bata habang idinaraos ang MAKABATA Community Roadshow sa Langkuno Elementary School — isang masayang selebrasyon ng pag-asa, pag-aaruga, at karapatan ng bawat batang Bangsamoro.
Bilang bahagi ng 33rd National Children’s Month 2025, dala ng tema na “OSAEC-CSAEM Wakasán: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban,” pinangunahan ng mga tagapagtaguyod ng programa ang pamamahagi ng school bags, laruan, hygiene kits, food packs, at bigas.
Sa likod ng mga simpleng regalo ay ang mensahe ng malasakit—na bawat bata ay may karapatang matuto, maging ligtas, at lumaki nang masaya.
Hindi lamang kasiyahan ang hatid ng roadshow, kundi kaalaman at kamalayan din para sa mga magulang at kabataan. Sa mga learning sessions, tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng Every Child a Reader, Overweight and Obesity Awareness, at Environmental Protection and Preparedness katuwang ang PDRRMO.
Sa pagtatapos ng programa, bakas sa bawat ngiti ng mga bata at magulang ang pag-asa. Isa itong paalala na ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa halaga ng tulong, kundi sa puso at malasakit na kalakip nito.
Taos-pusong pasasalamat sa Municipality of Datu Paglat at sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa walang sawang pakikiisa sa adhikain para sa mga bata.
Dahil sa Bangsamoro, ang bawat batang ligtas, masaya, at edukado—ay tunay na pag-asa ng ating kinabukasan.






Views Today : 74
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 633
Views Last 30 days : 3538
Views This Month : 2103
Views This Year : 17965
Total views : 30100
Leave a Reply