Ngayong Nobyembre 12, 2025, idinaos ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang COA–MBHTE Entrance Conference 2025 kasama ang Commission on Audit (COA)-BARMM sa KCC Convention Center, Cotabato City.
Layunin ng aktibidad na tiyakin na ang pondo ng edukasyon ay nagagamit nang tama, tapat, at epektibo—isang konkretong halimbawa ng moral governance sa aksyon.
Ayon kay COA Regional Director Rasdy P. Guiling, hindi lamang pagsusuri ng dokumento ang layunin ng COA, kundi ang palakasin ang sistema ng mga ahensya upang mas maging episyente at mapagkakatiwalaan.
Ipinahayag naman ni Minister Mohagher M. Iqbal ang buong kahandaan ng MBHTE na makipagtulungan at sumailalim sa audit process bilang bahagi ng kanilang paninindigan sa transparency at accountability.
“We welcome this audit not as a burden, but as an opportunity to strengthen our integrity and our systems,” ani Minister Iqbal.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, pinapatunayan ng MBHTE na ang moral governance ay hindi lamang prinsipyo—ito ay aktwal na ginagawa para sa kabutihan ng bawat batang Bangsamoro.








Views Today : 70
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 629
Views Last 30 days : 3534
Views This Month : 2099
Views This Year : 17961
Total views : 30096
Leave a Reply