Noong Nobyembre 18, 2025, muling ipinakita ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang dedikasyon nito sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon matapos itong magpamahagi ng 900 MBTI-designed armchairs sa mga piling paaralan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Maguindanao del Norte Recipients
• Pagalungan National High School – 200 piraso
• Madia Integrated School – 100 piraso
Maguindanao del Sur Recipients
• Datu Mantato National High School – 200 piraso
• Bai Hanina S. Sinsuat National High School – 200 piraso
• Karim National High School – 200 piraso
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng nagpapatuloy na programa ng MBHTE na tiyaking sapat, maayos, at kalidad ang mga pasilidad sa bawat silid-aralan. Layunin nitong mapabuti ang karanasan sa pagkatuto ng mga estudyante at mabigyan ng mas komportableng learning environment ang mga guro at mag-aaral.
Ayon sa MBHTE, nagpapatuloy pa ang pamamahagi ng school furniture sa iba pang bahagi ng Bangsamoro bilang tugon sa lumalaking pangangailangan sa mga pampublikong paaralan.







Views Today : 69
Views Yesterday : 83
Views Last 7 days : 575
Views Last 30 days : 3271
Views This Month : 1587
Views This Year : 32309
Total views : 44444
Leave a Reply