Dalawang HVI Timbog sa Buy-Bust sa Cotabato City; ₱2M Halaga ng Shabu Nakumpiska

Cotabato City, Philippines — Dalawang hinihinalang high-value drug suspects ang nahuli sa isang matagumpay na buy-bust operation noong Nobyembre 20, 2025 sa Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina (“Tats”) at (“Ana”), kapwa residente ng lugar at matagal nang mino-monitor ng mga awtoridad.

Nakumpiska mula sa kanila ang nasa 305 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱2,074,000, kasama ang buy-bust money, isang lighter, at sling bag.

Ang operasyon ay pinangunahan ng SOU 11 kasama ang Police Station 1, CMFC-CCPO, CIU-CCPO at SAF 42nd SAC. Isinagawa ang inventory at pagdo-dokumento ayon sa Sec. 21 ng RA 9165, witnessed ng barangay, DOJ at media representatives.

Dinala ang mga ebidensya sa RFU-BAR para sa laboratory examination, samantalang ang mga suspek ay ikinustodiya sa Police Station 1. Kinumpirma rin ng mga pulis ang paggamit ng dalawang ARDs sa operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020631
Views Today : 85
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 644
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2114
Views This Year : 17976
Total views : 30111