Inilahad ni Former MP at MILF-TFDCC Chairperson Engr. Aida Silongan, Ph.D. na dalawang pangunahing interbensyon ang kasalukuyang ipinapatupad para sa mga decommissioned combatants bilang bahagi ng normalization program na napagkasunduan ng MILF at ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Ayon kay Silongan, patuloy na umiikot ang implementasyon ng cash-for-work, kung saan ang matatanggap na kompensasyon ng bawat combatant ay nakaayon sa bilang ng araw na kanilang naitrabaho at sa minimum wage ng probinsiya kung saan sila nakatalaga. Dahil magkakaiba ang wage rates sa bawat lalawigan, nag-iiba rin ang kabuuang matatanggap ng mga benepisyaryo.
Bukod dito, nagpapatuloy rin ang pamimigay ng small livelihood capital na nagkakahalaga ng ₱20,000 bawat combatant. Bahagi ito ng opisyal na normalization package na matagal nang pinagkasunduan ng MILF at Government Peace Panels — isang patunay, ayon kay Silongan, na tuloy-tuloy ang pagtupad sa mga probisyong nakapaloob sa peace roadmap.
Sa kanyang eksklusibong panayam sa Bangsamoro Media Productions, binigyang-diin ni Silongan na ang mga programang ito ay hindi lamang pinansyal na suporta, kundi kongkretong hakbang upang unti-unting maitaguyod ang mas matatag na pamumuhay at pangmatagalang kapayapaan para sa mga dating mandirigma.







Views Today : 81
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 640
Views Last 30 days : 3545
Views This Month : 2110
Views This Year : 17972
Total views : 30107
Leave a Reply