Nilinaw ni Engr. Aida Silongan na mahigit 26,145 na decommissioned combatants ang nakakuha na ng tig-₱100,000 cash assistance bilang bahagi ng socio-economic package sa ilalim ng Normalization Program. Ito lamang, aniya, ang benepisyong ganap nang naipamahagi sa lahat ng kwalipikadong combatants.
Samantala, patuloy pa ang distribusyon ng iba pang benepisyo tulad ng PhilHealth enrollment, pagproseso ng birth certificates, at scholarship grants. Sa ngayon, mahigit 1,000 scholars pa lamang mula sa kabuuang bilang ang nakatanggap ng kanilang ayuda dahil sa phased implementation ng programa.
Binigyang-diin ni Silongan na bagama’t mabagal ang ilang bahagi ng distribusyon, tuloy-tuloy itong isinasagawa at may inaasahang karagdagang pondo sa susunod na taon upang mapabilis at masaklaw ang lahat ng benepisyaryong combatants. Nanawagan rin siya sa pambansang pamahalaan na itaas pa ang budget upang maibigay ang lahat ng nararapat na benepisyo para sa mga dating mandirigma.
“Hangga’t tuloy-tuloy ang pondo, may aasahan ang ating mga decommissioned combatants. Sana po ay madagdagan pa ang nakalaang budget para tuluyan nang makuha ng lahat ang kanilang karampatang benepisyo,” giit ni Silongan.







Views Today :
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3551
Views This Month : 2116
Views This Year : 17978
Total views : 30113
Leave a Reply