Buong pagmamalaking inihayag ni Mayor Datu Nathaniel Midtimbang na mas lalong tumitibay ang kampanya ng pamahalaan laban sa loose firearms matapos ang matagumpay na Destruction of Turned-In Loose Firearms sa lalawigan. Ayon sa kanya, ang presensya ng mga lokal na lider mula sa iba’t ibang munisipyo ay patunay ng pagkakaisa at iisang layunin para sa kapayapaan.
“Ipinagpapatuloy natin ang kampanya ng gobyerno sa Loose Firearms. Kaya nga nandito ang mga mayors—nagpapakita sila ng suporta,” ani Midtimbang, binibigyang-diin na ang pagkilos na ito ay hudyat ng hiling ng mga mamamayan ng Maguindanao del Sur para sa tahimik na kinabukasan.
Hinighlight ng mayor ang presensya ng iba pang pinuno ng lalawigan, kabilang si Congressman at mga mayor tulad ni Mayor Datu Rasool ng Ampatuan, bilang simbolo ng pagkakaisa ng liderato sa lalawigan. “Napakagandang tingnan na sama-sama ang mga leaders mula sa iba’t ibang munisipyo. Ito ang kailangan.”
Sa kanyang pahayag, hinikayat din niya na suportahan at bigyan ng tuloy-tuloy na pagkakataon ang mga proyekto ng gobernador at kongresista. “Pagbigyan natin si Congressman at si Governor na ituloy-tuloy ang kanilang mga programa. Sayang kung mapuputol pa. Kung baga sa eroplano, nakateco na.”
Dagdag pa niya, ang mga programa ng pamahalaan ay hindi lamang nakikinabang ang mga opisyal, kundi ang mismong mamamayan ng Maguindanao del Sur. “Tayo ang makikinabang dito—hindi sila. Kapag maganda ang programa, tayo ang mas aangat.”
Ang firearm destruction activity ay muling nagpatunay na ang lalawigan ay seryoso sa pag-abandona sa kultura ng armas at pagyakap sa kapayapaan bilang pundasyon ng pag-unlad. Sa pagkakaisang ipinakita ng mga lider, naniniwala si Mayor Midtimbang na mas mabilis na mararating ng Maguindanao del Sur ang prosperity through peace.








Views Today : 31
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 563
Views Last 30 days : 3521
Views This Month : 2147
Views This Year : 18009
Total views : 30144
Leave a Reply