Isang malaking karangalan ang tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato matapos igawad dito ang Award of Recognition mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Councilors League (PCL), at Vice Mayors League of the Philippines (VMLP).
Iginawad ang naturang parangal bilang pagkilala sa Cotabato City bilang Regional Finalist sa Independent Component City Category para sa 2025 Local Legislative Award. Ang pagkilalang ito ay patunay ng mahusay, epektibo, at responsableng pagbalangkas ng mga lokal na batas na nagbibigay ng positibong epekto sa social, economic, at environmental governance ng lungsod.
Ipinapaabot ang pagbati sa 18th Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni City Vice Mayor Sultan Johair Madag, na patuloy na naghahatid ng makabuluhang polisiya at ordinansa para sa kapakanan ng mga Cotabateño.
Muli, pinarangalan ang Cotabato City bilang modelong lungsod sa mabuting pamamahala—isang tagumpay na nagbubukas ng mas mataas na pamantayan sa lokal na legislasyon.







Views Today : 22
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 554
Views Last 30 days : 3512
Views This Month : 2138
Views This Year : 18000
Total views : 30135
Leave a Reply