Sinolinding, Aktibong Kinatawan ng BARMM sa 6th National Health Sector Meeting ng DOH

Muling ipinakita ng Bangsamoro Government ang matatag nitong papel sa pambansang usaping pangkalusugan matapos dumalo si Bangsamoro Health Minister Dr. Kadil M. Sinolinding, Jr. sa 6th National Health Sector Meeting (NHSM) ng Department of Health (DOH).

Layunin ng NHSM na suriin ang kasalukuyang progreso ng health sector, tukuyin ang mga puwang sa serbisyong pangkalusugan, at bumuo ng mas malinaw na estratehiya upang tuluyang makamit ang Universal Health Care (UHC). Higit pa rito, nagsisilbi itong plataporma para sa malalimang talakayan ng DOH, development partners, at ibaโ€™t ibang stakeholders sa pagpapatupad ng matatag at napapanatiling health financing reformsโ€”upang matiyak na walang Pilipino ang mawawalan ng access sa de-kalidad na serbisyong medikal dahil sa mataas na gastusin.

Bilang kinatawan ng BARMM, inimbitahan si Minister Sinolinding ni DOH Secretary Teodoro J. Herbosa bilang reactor sa Plenary Report ng Breakout Session na tumalakay sa Case Studies on Addressing Supply- and Demand-Side Barriers and Financing Gap in Service Delivery. Tinutukan dito ang mga konkretong hakbang upang mapalakas ang health service delivery tulad ng pagpapahusay sa first patient encounter, YAKAP registration, accreditation para sa YAKAP at GAMOT programs, at pagpapatupad ng zero balance billing para sa mas matibay na financial risk protection.

Dala ang temang โ€œBawat Pilipino, Ramdam ang Kalusugan: Strengthening Health Financing and Systems for Universal Health Care,โ€ ginaganap ang NHSM sa Clark, Pampanga mula December 1โ€“4, 2025. Ang aktibong partisipasyon ni Minister Sinolinding ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng BARMM na maging katuwang ng pambansang pamahalaan sa paghahatid ng maayos, episyente, at patas na serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

โ€œ

Our Visitor

020645
Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126