MP AMBOLODTO NAKIPAGPULONG KAY OPAPRU SEC.GALVEZ UPANG TALAKAYIN ANG PAGPAPATIBAY NG USAPIN HINGGIL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA AT PANGINGISDA SA BANGSAMORO

Bilang suporta sa pagpapa-unlad ng seguridad sa ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan ng Bangsamoro, nakipagpulong si BTA Member of Parliament Atty. Suharto 'Teng' Ambolodto kay OPAPRU Gen.Carlito Galvez Jr.

Kabilang sa kanilang tinalakay ang pagkumpleto ng yugto ng interpelasyon sa ikalawang pagbasa ng TJRC Bill, ang patuloy na deliberasyon ng komite sa iminungkahing 2026 na budget ng rehiyon, at ang paghahain at pagsusumite ng kinakailangang mga panukalang batas sa distrito para sa isasagawang Public Consultation bilang paghahanda para sa darating na halalan sa Marso 2026.

Binigyang-diin din ang lumalaking alalahanin patungkol sa sektor ng agrikultura at pangingisda na isang kahinaan sa ekonomiya na nagdudulot ng malaking panganib sa seguridad ng kabuhayan at kung paano ito mapanatili sa pag-unlad, mapangalagaan, at mapalakas ang suporta sa Bangsamoro

Ayon kay Atty. Ambolodto bilang pangako sa pagsuporta sa OPAPRU sa pagtiyak na ang pag-unlad sa pamamahala, katarungan, at mga demokratikong institusyon ay mapapanatiling matibay hanggang sa transition period.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

“

Our Visitor

020666
Views Today : 42
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 574
Views Last 30 days : 3532
Views This Month : 2158
Views This Year : 18020
Total views : 30155