Inanunsyo ng Project SALAM na tumatanggap ang beneficiaries ng mahigit ₱18,000 kada quarter, o katumbas ng humigit-kumulang ₱6,000 kada buwan. Sa kabuuan ng 2025, umaabot sa ₱75,000+ ang kanilang natatanggap.
Ayon sa Program Manager, patuloy ang pagsisikap ng opisina na palawakin ang bilang ng benepisyaryo at pagandahin ang pagpapatupad ng programa. Wala pang bagong recruitment, ngunit tiniyak nilang anumang anunsyo ay ihahayag nang publiko bilang bahagi ng transparency policy ng Project SALAM.
Pinayuhan niyang huwag mawalan ng pag-asa ang mga hindi pa kasali dahil patuloy ang paghahanap ng paraan upang maisama ang mas maraming kwalipikadong Bangsamoro.






Views Today : 42
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 574
Views Last 30 days : 3532
Views This Month : 2158
Views This Year : 18020
Total views : 30155
Leave a Reply