217 na mangingisda mula sa South Ubian, Tawi-Tawi ang nakatanggap ng tulong mula sa MSSD matapos maapektuhan ng bagyong Tino at Uwan.

Dahil hindi makapalaot ang mga mangingisda, nagbigay ang MSSD ng 25 kilo bigas, canned goods, at instant coffee para sa bawat benepisyaryo. Naghatid din ang Rural Health Unit ng libreng check-up at gamot, habang namigay ang MBLT-12 ng lugaw at laruan sa mga bata.

Ayon sa MSSD, magpapatuloy ang pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa ilalim ng Emergency Relief Assistance Program upang matulungan ang mga pamilyang apektado ng kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

“

Our Visitor

020671
Views Today : 49
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 581
Views Last 30 days : 3539
Views This Month : 2165
Views This Year : 18027
Total views : 30162