Isang panukalang batas ang inihain sa Bangsamoro Parliament na naglalayong gawing zero billing ang lahat ng ospital na gastusin para sa mga pasyenteng pumanaw sa government hospitals ng BARMM.
Sa ilalim ng “Zero Billing Hospitalization for Expired Patients Act” ni Deputy Floor Leader Suharto Esmael, awtomatikong wini-waive ang lahat ng bayarin—kasama ang gamot, tests, professional fees, emergency care, at iba pa. Binibigyang-diin ng panukala na hindi dapat pasanin ng pamilyang nagluluksa ang gastusing medikal.
Obligado ang ospital na magbigay ng zero billing certificate sa loob ng 24 oras at ipinagbabawal ang pag-withhold ng bangkay o documents dahil sa unpaid bills.
Ang MOH-BARMM ang mamamahala sa audit, reimbursement, at pagpapatupad ng panuntunan. May insentibo sa compliant hospitals at kaparusahan para sa personnel o pasilidad na lalabag.
P250 milyon ang panimulang pondo ng programa.








Views Today : 59
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 591
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2175
Views This Year : 18037
Total views : 30172
Leave a Reply