CAMP DARAPANAN â Iginiit ni Mr. Amier M. Dodo ng MILF TWGâTJR na ang Transitional Justice and Reconciliation (TJR) ay hindi lang tungkol sa mga isyung nasa loob ng Bangsamoro, kundi sa mas malawak na kasaysayan ng Mindanao. Sa programang ginanap sa Camp Darapanan, ipinaliwanag niyang matagal nang naranasan ng Bangsamoro ang pagkawala ng lupa, panunupil, at paglabag sa karapatang pantao.
Tinukoy niya ang land dispossession bilang malaking isyu na nagsimula noong panahon ng mga Amerikano, kung saan idineklara ang mga lupain bilang pag-aari ng estado. Dahil dito, mas maraming settler mula Luzon at Visayas ang nabigyan ng titulo kumpara sa mga Moro at katutubo. Tinawag niya itong âlegalized land grabbing.â
Ayon kay Dodo, malinaw ang paninindigan ng MILF: ibalik kung kaya pang ibalik, bayaran kung hindi na kayang ibalik, at humingi ng paumanhin kung hindi na kayang bayaran. Layon ng TJR Roadmap na kilalanin ang nakaraan, ayusin ang sugat ng komunidad, at maiwasan ang pag-ulit ng parehong injustices.
Hinimok niya ang national government na suportahan ang TJR sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na lilikha sa National Transitional Justice and Reconciliation Commission.







Views Today : 64
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 596
Views Last 30 days : 3554
Views This Month : 2180
Views This Year : 18042
Total views : 30177
Leave a Reply