Ayon sa Malacañang, ipinapakita ng malakas na partisipasyon ng publiko sa mga konsultasyon na handa na ang Bangsamoro para sa kauna-unahang parliamentary elections sa 2026.
Sinabi ni Special Assistant to the President Antonio F. Lagdameo, Jr. na mahalaga ang agarang pagpasa ng Bangsamoro Parliamentary Districting Act upang matiyak ang patas na representasyon at maayos na paghahanda ng halalan.
Pinuri rin ng Malacañang ang BTA sa pagiging bukas at inklusibo ng proseso, at hinikayat ang mamamayan na manatiling aktibo at mapagmatyag. Tiniyak ng pambansang pamahalaan ang buong suporta nito upang maging matagumpay, malinis, at tapat ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.







Views Today : 78
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 610
Views Last 30 days : 3568
Views This Month : 2194
Views This Year : 18056
Total views : 30191
Leave a Reply