Kinumpirma ng Bangsamoro Parliament na ang Parliament Bill No. 415 ang napiling pangunahing panukala matapos pagsamahin ang anim na districting bills na isinailalim sa joint committee deliberation ng Committee on Rules at Committee on Local Government.
Ayon kay MP Naguib Sinarimbo, napili ang PB 415 dahil ito ang pinakaangkop na tumutugon sa mga isyung binanggit ng Korte Suprema kaugnay ng districting sa ilang lugar sa BARMM. Matapos ang serye ng public consultations at committee deliberations, inaprubahan ng joint committee ang committee report na dadalhin sa plenaryo.
Gayunman, may mga legal na isyung kailangang resolbahin, kabilang ang posibleng paglabag sa 120-day prohibited period bago ang halalan sa Marso 30, 2026. Ang mga isyung ito ay inaasahang tatalakayin nang masinsinan sa plenaryo.
Nanindigan ang BTA na bukas ito sa debate at patuloy na magsisikap na makabuo ng isang districting law na legal, makatarungan, at alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema.








Views Today : 41
Views Yesterday : 135
Views Last 7 days : 1431
Views Last 30 days : 4155
Views This Month : 3878
Views This Year : 26457
Total views : 38592
Leave a Reply