Tinanggap ni Bangsamoro Health Minister Dr. Kadil M. Sinolinding, Jr. si Dr. Kasim Sezen, Pangulo ng World Islamic Health Union (WIHU), sa isang courtesy visit sa Office of the Minister sa Cotabato City.
Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng digital health systems bilang mahalagang bahagi ng modernong serbisyong pangkalusugan. Ibinahagi ni Dr. Sezen ang karanasan ng Turkey sa paggamit ng digital platforms sa healthcare.
Nagpahayag ng kasiyahan si Dr. Sezen sa kanyang pagbisita sa Bangsamoro at binigyang-diin ang potensyal ng rehiyon sa pakikipagtulungan sa internasyonal na komunidad.
Nagpasalamat naman si Dr. Sinolinding sa WIHU at IMAN-Phils at inihayag ang hangarin ng Bangsamoro Government na palakasin ang global partnerships para sa mas episyente, makatao, at inklusibong serbisyong pangkalusugan.








Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229
Leave a Reply