Isang lalaki ang sugatan matapos pagbabarilin sa Purok Emba, Rosary Heights 7, Cotabato City, noong 1:00 AM ng Disyembre 18, 2025. Kinilala ang biktima na si Fahad Sabpa Lumawan, 25. Ayon sa pulisya, bigla siyang tinambangan ng suspek na si Tokan Diocolano, 24, na agad tumakas matapos ang insidente.
Dinala ang biktima sa CRMC at kasalukuyang nagpapagaling. Nakarekober ang SOCO ng 14 basyo ng bala mula sa .40 caliber pistol. Patuloy ang follow-up investigation upang maaresto ang suspek.







Views Today : 107
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 639
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 2223
Views This Year : 18085
Total views : 30220
Leave a Reply