Patuloy na iniimbestigahan ng pamahalaang Pilipinas ang pagbisita ng dalawang taong sangkot sa Bondi shooting sa Australia. Ayon sa National Security Council, walang ebidensyang nagpapakita na sila ay tumanggap ng military training habang nasa bansa mula Nobyembre 1–28, 2025.
Nilinaw rin ng NSC na hindi na tama ang mga ulat na inilalarawan ang Mindanao bilang sentro ng extremist activity. Matapos ang Marawi Siege, tuloy-tuloy ang paghina at pagkapira-piraso ng mga grupong konektado sa ISIS dahil sa operasyon ng security forces at kooperasyon ng mga komunidad.
Maging ang UN at US assessments ay nagpapakitang “remnants” na lamang ang natitirang extremist elements. Nakita ring nakatulong ang BARMM autonomy at development programs sa pagpapabuti ng seguridad sa rehiyon.
Tiniyak ng pamahalaan ang pagpapatuloy ng mahigpit na counterterrorism measures at international cooperation, at hinimok ang publiko na maging mapanuri sa impormasyon upang maiwasan ang maling haka-haka.







Views Today : 114
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3604
Views This Month : 2230
Views This Year : 18092
Total views : 30227
Leave a Reply