𝟒𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝟏𝟓𝟎 𝐒𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌𝐒, 𝐈𝐓𝐀𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐈𝐋𝐅 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐒 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐍𝐆 𝐌𝐇𝐒𝐃


400 bagong pabahay at 150 solar power systems ang nakatakdang itayo at ikabit sa iba’t ibang komunidad ng Bangsamoro, kabilang na ang tatlong pangunahing kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), matapos lagdaan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) ang mga kontrata kasama ang iba’t ibang construction firms noong Disyembre 15, 2025 sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City.

Sa mensahe ni Bangsamoro Director General (BDG) Esmael W. Ebrahim, iginiit niyang ang mga proyektong ito ay malinaw na patunay ng suporta ng BARMM Government sa mga pamilyang naninirahan sa anim na kinikilalang MILF camps, at bahagi ng mas malawak na hakbang sa normalization process.

Aniya, matapos ang sunod-sunod na groundbreaking sa iba’t ibang lugar, susunod nang sisimulan ang konstruksyon sa Camps Rajamuda, Badr, at Omar — na itinuturing na makasaysayang yugto para sa mga komunidad ng mujahideen.

“Sa paglagda ng kontrata, isang panibagong kabanata ng buhay ng ating mga pamilya sa kampo ang magsisimula,” diin ni Ebrahim.

Tiniyak naman ni Director II Salem C. Demuna na hindi maaantala ang bayad sa mga contractor basta’t sumusunod ang mga ito sa proyekto ayon sa napagkasunduang timetable, kasabay ng pangakong mahigpit na babantayan ng MHSD Provincial Offices ang implementasyon.

Dumalo rin si Provincial Director Hamzah A. Salik ng Special Geographic Area, kung saan dalawang proyekto ang kanyang tututukan:

Ang 100 housing units sa Camp Rajamuda (SDF 2023),

At 50 housing units sa Libungan Torreta (GAAB 2025).

Kasabay nito, 150 solar power systems ang ikakabit sa SGA, Maguindanao del Norte, at Basilan — na layong magbigay ng mas maaasahang enerhiya sa mga resettlement communities.

Nagpahayag din ng suporta ang SDF-PMO sa pangunguna ni Engr. Mohammad Ali Usop, na nagsabing ang naturang proyekto ay mahalagang hakbang sa paghubog ng mas matatag na pamayanan para sa dating combatants.

Sa kabuuan, ang mga proyekto ay may pondo na: ₱63M bawat SDF project sa major MILF camps, ₱38M para sa GAAB housing sites,

₱11M para sa solar power installation.

Ang mga nanalong contractor — Kanaway Builders, Angkat Construction, Al-Handasa Construction, RNS Construction, GC&S Construction, at Plumbs Engineering — ay nagpahayag ng kanilang pangako na tapusin ang proyekto sa oras at ayon sa pamantayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020717
Views Today : 114
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3604
Views This Month : 2230
Views This Year : 18092
Total views : 30227