Cotabato City — Naipamahagi na ang unang 100 core shelter units ng KAPYANAN program sa Sitio Pagalungan, Bagua 1. Pinangunahan ito ni Acting Senior Minister Abdullah Cusain, na nagpasalamat sa lahat ng katuwang sa proyekto.
Ang mga bahay ay may solar lights at water system, na nagbibigay ng mas ligtas at maayos na pamumuhay sa mga benepisyaryo. Katuwang ng Office of the Chief Minister sa proyektong ito ang Ministry of Public Works.
Pinuri ng KAPYANAN team ang suporta ng Bangsamoro Government, MPW, local government units, at iba pang partners na tumulong para maisakatuparan ang proyekto.
Patuloy ang hangarin ng KAPYANAN na magbigay ng tirahan, seguridad, at pag-unlad tungo sa mas mapayapa at progresibong Bangsamoro.







Views Today : 114
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3604
Views This Month : 2230
Views This Year : 18092
Total views : 30227
Leave a Reply