Sa isang panayam, sinabi ni MP Atty. Alba na hindi dapat madaliin ang districting bill dahil kailangang dumaan ito sa masusing konsultasyon at pag-aaral. Paliwanag niya, normal sa proseso ang pagpili ng isang main bill habang ang iba ay gagawing position papers at amendments, ngunit mahalagang makita ang rason, pamantayan, at batayan ng bawat mungkahing pagbuo ng distrito.
Ayon kay Alba, posibleng magkaroon ng special session o committee meetings sa unang linggo ng Enero. Giit niya, mas mabuting pag-ingatan ang batas upang maiwasan ang pagkakamaling naganap sa BAA 77. Dagdag pa niya, dadaan sa botohan ng committee ang anumang amendments—at ang mayorya pa rin ang magpapasya.







Views Today : 114
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3604
Views This Month : 2230
Views This Year : 18092
Total views : 30227
Leave a Reply