IQBAL TO MEDIA: “HINDI KAYO KALABAN—KATUWANG KAYO SA DEMOKRASYA”

Nanawagan si UBJP Vice President for Central Mindanao Mohagher Iqbal sa media conference kahapon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng media at pamahalaang Bangsamoro, at huwag ituring ang media bilang kalaban.

Binanggit niya na normal ang pagkakaroon ng emosyon at pananaw sa bawat tao, kabilang ang media practitioners, kaya mahalagang panatilihin ang respeto at bukas na komunikasyon.

Ipinahayag din ni Iqbal na handa ang UBJP sa anumang resulta ng eleksiyon—panalo man o talo. Binalikan niya ang mahabang kasaysayan ng MILF mula sa digmaan hanggang sa negosasyon, at binigyang-pugay ang kontribusyon ng mga nakaraang administrasyon sa ikatatagumpay ng peace process.

Muling iginiit ni Iqbal ang pangunahing plataporma ng UBJP: moral governance, pagpapatupad ng tunay na autonomy sa loob ng batas, at pagpapalakas sa karapatan ng Bangsamoro na pumili ng kanilang mga lider.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020719
Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229