Nakiisa ang Bangsamoro Youth Commission (BYC), sa pangunguna ni Chairperson Nasserudin Dunding, sa International Leadership Summit 2025 sa Islamabad, Pakistan. Pinag-usapan sa summit ang iba’t ibang krisis na kinakaharap ng Muslim Ummah at ang papel ng kabataan sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at pagkakaisa.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Dunding ang mga programa ng BYC tulad ng Young Ulama Conference, Ahlan Wa Sahlan Ramadhan, at Liwanag at Kabataan Project, na naglalayong palakasin ang Islamization at youth development sa Bangsamoro.
Kasama ng BYC ang mga kinatawan ng UMYO at iba pang youth organizations, na nagdala ng tinig ng Bangsamoro youth sa pandaigdigang diskurso. Ang partisipasyon na ito ay nagpapakita ng mabilis na pag-angat ng Bangsamoro youth leadership sa international community.








Views Today : 119
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 651
Views Last 30 days : 3609
Views This Month : 2235
Views This Year : 18097
Total views : 30232
Leave a Reply