๐ƒ๐€๐•๐€๐Ž ๐Œ๐”๐’๐‹๐ˆ๐Œ ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘๐’ ๐Š๐Ž๐๐ƒ๐„๐๐€ ๐’๐€ ๐€๐”๐’๐“๐‘๐€๐‹๐ˆ๐€ ๐’๐‡๐Ž๐Ž๐“๐ˆ๐๐†, ๐†๐ˆ๐ˆ๐“: ๐ˆ๐’๐‹๐€๐Œ ๐€๐˜ ๐‘๐„๐‹๐ˆ๐‡๐ˆ๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐˜๐€๐๐€๐€๐

Kinondena ng Darul Ifta XI at mga Muslim leaders ng Davao City ang pamamaril sa Australia at nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima. Iginiit nila na ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan at mahigpit na tumututol sa terorismo at anumang uri ng karahasan.

Mariin din nilang tinutulan ang pag-uugnay sa insidente sa Islam, sa Davao City, at sa anumang religious group dito nang walang sapat na ebidensya. Ayon sa kanila, ang ganitong haka-haka ay nakapagdudulot ng diskriminasyon at maling pananaw.

Binigyang-diin ng Darul Ifta XI na ang sumupil sa suspek sa Australia ay isang Muslimโ€”patunay umano sa totoong turo ng Islam tungkol sa malasakit at pagprotekta ng buhay.

Hinimok nila ang publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon at panatilihin ang respeto sa iba’t ibang pananampalataya. Tiniyak naman ng Muslim community ang kahandaang makipagtulungan sa mga awtoridad.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

โ€œ

Our Visitor

020719
Views Today : 119
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 651
Views Last 30 days : 3609
Views This Month : 2235
Views This Year : 18097
Total views : 30232