Kinondena ng Darul Ifta XI at mga Muslim leaders ng Davao City ang pamamaril sa Australia at nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima. Iginiit nila na ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan at mahigpit na tumututol sa terorismo at anumang uri ng karahasan.
Mariin din nilang tinutulan ang pag-uugnay sa insidente sa Islam, sa Davao City, at sa anumang religious group dito nang walang sapat na ebidensya. Ayon sa kanila, ang ganitong haka-haka ay nakapagdudulot ng diskriminasyon at maling pananaw.
Binigyang-diin ng Darul Ifta XI na ang sumupil sa suspek sa Australia ay isang Muslimโpatunay umano sa totoong turo ng Islam tungkol sa malasakit at pagprotekta ng buhay.
Hinimok nila ang publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon at panatilihin ang respeto sa iba’t ibang pananampalataya. Tiniyak naman ng Muslim community ang kahandaang makipagtulungan sa mga awtoridad.








Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229
Leave a Reply