Pinarangalan bilang Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awardee 2025 si Gov. Datu Ali M. Midtimbang para sa kanyang natatanging pamumuno at malasakit sa mamamayan ng Maguindanao del Sur.
Iginawad ang parangal noong December 27, 2025 sa Camp Aguinaldo, Quezon City, at tinanggap ni Provincial Administrator Datu Nur Ali Midtimbang bilang kinatawan ng gobernador.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang pagkilalang ito ay patunay ng “Serbisyong May Puso” at “Serbisyong Mapadtimbang” na isinusulong ng liderato—isang pamamahalang patas, makatao, at tunay na nakatuon sa kapakanan ng komunidad.
Nagpasalamat si Gov. Midtimbang sa suporta ng kanyang mga kababayan at inialay ang parangal sa buong Maguindanao del Sur







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply