Naipatupad na ang turn-over ng 100-unit resettlement housing sa Barangay Mustapha Ala, Datu Odin Sinsuat, para sa mga decommissioned combatants at kanilang pamilya. Kasabay nito ang pagsisimula ng konstruksyon ng mga support facilities na makakatulong sa kaayusan at kaunlaran ng komunidad.
Layunin ng proyektong ito na tulungan ang mga dating combatants na makapagsimula muli ng maayos at mapayapang buhay. Sa pagkakaroon ng ligtas at disenteng tirahan, mas nagkakaroon sila ng pagkakataong bumuo ng mas matatag na pamilya at makilahok sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Dumalo sa aktibidad si MP Mohagher Iqbal, na nagpahayag na mahalagang bahagi ng kapayapaan ang pagkakaroon ng konkretong tulong tulad ng pabahay. Kasama rin si Minister Baba Abas, na muling tiniyak ang suporta ng Bangsamoro Government sa mga programang tumutulong sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga dating combatants.
Ang proyekto ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na gawing makabuluhan at ramdam ng mamamayan ang kapayapaan, lalo na sa mga komunidad na matagal nang naapektuhan ng kaguluhan.








Views Today : 80
Views Yesterday : 105
Views Last 7 days : 1576
Views Last 30 days : 4105
Views This Month : 3696
Views This Year : 26275
Total views : 38410
Leave a Reply