Mahigpit na ipatutupad ng pamahalaang bayan ng Datu Odin Sinsuat ang mga ordinansa laban sa ilegal na pagbebenta at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Vice Mayor Bobsteel “Datu Pop” Sinsuat, layunin ng mga patakaran na maiwasan ang gulo sa mga komunidad na may halong Kristiyano at Moro. Posible ring magpatupad ng ordinansa na magbabawal sa pagbebenta ng alak sa mga Muslim upang maiwasan ang problema.
Ipinagbabawal ang pag-inom sa lansangan at pinahihintulutan lamang ito sa mga itinalagang lugar o loob ng tahanan. Sa isang inspeksyon, pinuna rin ni Mayor Abdulmain Abas ang ilang tindahang nagbebenta ng alak sa loob ng public market.
Babala ng lokal na pamahalaan: sinumang lalabag ay papatawan ng multa at kaukulang parusa.








Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256
Leave a Reply