Ayon kay MP Lanang Ali Jr., nasa kritikal na yugto na ang deliberasyon ng BTA Parliament sa redistricting law, kasunod ng malinaw na panawagan ng pambansang pamahalaan na agarang maipasa ito.
Ibinahagi niya na napagkasunduan na sa antas ng Senado, Kamara, at Malacañang na ang iskedyul ng Bangsamoro parliamentary elections ay nakasalalay sa pagpasa muna ng redistricting law at sa 120-day period na itinatakda ng batas.
Dahil dito, itinakda ang mga special session noong Disyembre 29 at Enero 12 upang ipagpatuloy ang deliberasyon. Ayon kay Ali, ang magiging desisyon ng BTA Parliament ang magsisilbing batayan ng pinal na petsa ng eleksyon sa Bangsamoro.








Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256
Leave a Reply