Inihayag ni Mayor Bruce Matabalao na hinihintay pa ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato ang opisyal na desisyon ng MILG kaugnay ng sitwasyon sa Barangay Rosary Heights 5.
Ayon sa alkalde, ang assumption to office ng acting barangay chairwoman ay ginawa bago pa lumabas ang kautusan ng MILG at bilang bahagi ng pagsasaayos ng pamamahala sa barangay. Binanggit din niya ang nakikitang pagbuti ng kalinisan at kaayusan sa lugar.
Tiniyak ng alkalde na igagalang ng lungsod ang magiging desisyon ng MILG at susunod sa umiiral na election ban. Aniya, magbabago lamang ang sitwasyon kung may opisyal na pahayag na mag-aalis sa election ban.







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply