Pumasok na sa huling yugto ng talakayan ang redistricting bill sa Bangsamoro Parliament, ngunit ayon kay Deputy Speaker MP Lanang Ali Jr., bukas pa rin ito sa amendments at posibleng pagbabago bago tuluyang maipasa.
Aniya, ang kasalukuyang bersyon na PT Parliament Bill 415 ay may ilang probisyong kahalintulad ng mga naunang isyung umabot sa kontrobersiya, kabilang ang mga distrito sa Cotabato City, Lanao del Sur, at Maguindanao del Norte. Dahil dito, mahalagang bantayan ang pinal na bersyon upang maiwasan ang legal na hamon sa hinaharap.
Kung maipapasa ang batas sa Enero 12, inaasahang magsisimula ang 120-day period na magsisilbing batayan sa pagtatakda ng petsa ng unang Bangsamoro parliamentary elections.







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply