Dumalo at aktibong nakilahok si Governor Datu Ali M. Midtimbang sa paglulunsad ng Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City, kasama ang iba pang lider ng BARMM.
Ang inisyatiba ay naglalayong bumuo ng isang mapayapa, inklusibo, at matatag na Bangsamoro, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kapayapaan at pagkakasundo, pagpapatibay ng pagkakaisa ng mga komunidad, at pagsusulong ng aktibong partisipasyon ng mamamayan sa kaunlaran.
Kabilang sa mga pokus ng programa ang community empowerment, kabuhayan at human development, at good governance, bilang bahagi ng pangmatagalang layunin ng Bangsamoro Government na maghatid ng kapayapaan at pag-unlad sa buong rehiyon.







Views Today : 15
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 676
Views Last 30 days : 3634
Views This Month : 2260
Views This Year : 18122
Total views : 30257
Leave a Reply