π•πˆπ‚π„ πŒπ€π˜πŽπ‘ πŒπˆπƒπ“πˆπŒππ€ππ† ππˆππ€π“π€π“π€π† 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π 𝐀𝐓 π„πƒπ”πŠπ€π’π˜πŽπ ππˆπ‹π€ππ† π‡π€π‹πˆπ†πˆ 𝐍𝐆 πŠπ€π”ππ‹π€π‘π€π

Pinangunahan ni Maryjoy Estephanie Uy‑Midtimbang, Bise Alkalde ng Talayan, ang serye ng mahahalagang pagpupulong na nagpatibay sa paninindigan ng pamahalaang lokal sa women empowerment at pagpapaunlad ng edukasyon bilang pangunahing haligi ng kaunlaran.

Sa unang pulong, itinampok ang PAPEDTAYAN Program ng Pamahalaang Panlalawigan, kung saan tinalakay ang mga pangunahing inisyatiba para sa kababaihan sa pangunguna ng mga kasapi ng Ummahat, SWC, at BIWAB mula sa TAG. Layunin ng pagpupulong na palakasin ang pagkakaisa at kolektibong pananagutan sa pagsusulong ng kapakanan, dignidad, at aktibong partisipasyon ng kababaihan sa kaunlarang lokal.

Samantala, ang ikalawang pulong ay nakatuon sa pagpapatibay ng sektor ng edukasyon, na dinaluhan ng mga guro at education leaders mula sa Talayan, Guindulungan, at Datu Anggal Midtimbang. Sentro ng talakayan ang mas pinaigting na kolaborasyon at mga estratehiya upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa mga nasasakupang bayan.

Ang mga pagpupulong na ito ay malinaw na sumasalamin sa people-centered leadership ni Vice Mayor Midtimbangβ€”isang pamumunong inuuna ang kababaihan at mga guro bilang katuwang sa pagtataguyod ng inklusibo, makatao, at pangmatagalang kaunlaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020736
Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256