𝐎𝐏𝐀𝐆, 𝐑𝐏𝐂𝐎 𝐀𝐓 𝐌𝐋𝐆𝐔, 𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐆𝐑𝐈 𝐂𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga potensyal na Proponent Groups (PGs) sa lalawigan, nagsagawa ang Provincial Government of Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) ng validation at coordination meeting kasama ang South Upi Rubber Development Cooperative.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Regional Project Coordination Office (RPCO) at ng Municipal Local Government Unit (MLGU) upang talakayin ang mga kinakailangang kwalipikasyon ng kooperatiba para makasama sa mga susunod na programang pang-agrikultura at development projects ng pamahalaan.

Sa pulong, binigyang-diin ang mahahalagang rekisitos tulad ng kumpletong legal na dokumento, kakayahang pang-organisasyon, at pagkakatugma ng mga panukalang proyekto sa mga layunin ng rehiyonal at panlalawigang agricultural development.

Ayon sa OPAG, mahalagang matiyak na handa at kwalipikado ang mga lokal na kooperatiba upang maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura, partikular sa pagpapataas ng ani, pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka, at pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020749
Views Today : 28
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 689
Views Last 30 days : 3647
Views This Month : 2273
Views This Year : 18135
Total views : 30270