Naitala ang pagdalo ng 19,132 kasapi at tagasuporta sa isinagawang General Assembly ng Political Committee ng Damakling Province ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Buluan Municipal Gymnasium. Ang bilang ay batay sa opisyal na attendance record hanggang alas-12:15 ng tanghali.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga pangunahing lider ng MILF, kabilang sina MP Mohagher Iqbal, Chairman ng MILF Implementing Panel; Anwar Alamada, Chairman ng MILF-AHJAG; at Atty. Badrodin “Bador” Mangindra, legal counsel ng MILF-AHJAG.
Sa naturang General Assembly, pinagtibay ang pagkakaisa ng mga kasapi at tinalakay ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng Bangsamoro transition, peace process, at mga kasalukuyang hamong kinakaharap ng organisasyon at ng Bangsamoro people. Ipinakita rin ng pagtitipon ang patuloy na organisadong lakas ng MILF sa antas ng komunidad at probinsya.







Views Today : 71
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 649
Views Last 30 days : 3598
Views This Month : 2316
Views This Year : 18178
Total views : 30313
Leave a Reply