𝐅𝐀𝐑𝐌-𝐓𝐎-𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓 𝐑𝐎𝐀𝐃𝐒 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐇𝐎𝐅𝐅𝐄𝐑 𝐀𝐌𝐏𝐀𝐓𝐔𝐀𝐍, 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘-𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀

Patuloy ang road opening at pagpapagawa ng mga farm-to-market roads sa Barangay Sayap at Barangay Mantao sa Datu Hoffer Ampatuan, bunga ng pinagsanib na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Hoffer Ampatuan at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.

Ang mga proyekto ay isinasakatuparan sa pamumuno ni Datu Prince Sufri M. Ampatuan, Punong Bayan, katuwang si Bai Bong M. Ampatuan, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan na palakasin ang imprastruktura sa mga liblib na barangay.

Layunin ng mga proyektong ito na mapabilis ang pagdadala ng mga produktong agrikultural, mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan, at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kabuhayan at negosyo ng mga residente. Inaasahan ding magsisilbi itong tulay para sa mas inklusibo at pangmatagalang pag-unlad ng komunidad.

Naghatid ng ngiti at pag-asa ang mga ginagawang kalsada sa mga residente ng Barangay Sayap at Mantao, na matagal nang umaasa sa mas maayos na daan. Ayon sa kanila, malaking ginhawa ang hatid ng proyekto, lalo na sa panahon ng pag-aani at pagbiyahe patungo sa mga pamilihan at sentrong bayan.

Bukod sa mga mamamayan, ikinatuwa rin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang proyekto dahil mapapadali na ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at social services sa mga nasabing barangay.

Ang patuloy na pagpapaunlad ng farm-to-market roads sa Datu Hoffer Ampatuan ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng lokal at panlalawigang pamahalaan upang matiyak na ang kaunlaran ay ramdam hanggang sa antas ng barangay, at walang naiiwan sa pag-unlad ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020782
Views Today : 80
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 658
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2325
Views This Year : 18187
Total views : 30322