Isang makabago at de-kalidad na multipurpose training center ang pormal na nai-turn over ngayong araw sa Barangay Bongbong, Pantukan, Davao de Oroβna itinuturing bilang pinakamahusay na pasilidad ng ganitong uri sa komunidad at isa sa pinakamabilis na natapos na proyekto ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), ang Housing Arm ng Pamahalaang Bangsamoro.
Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Supplemental Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2024 at ipinagkatiwala sa MHSD sa pamamagitan ni Randolph C. Parcasio, Miyembro ng Bangsamoro Parliament. Layunin nitong magbigay ng maayos na espasyo para sa pagsasanay, pagpupulong, at mga gawaing pangkaunlaran ng komunidad.
Ang Jamaβah Ar-Rayyan ang itinalagang tagapangasiwa at benepisyaryo ng pasilidadβisang organisasyong binubuo karamihan ng mga kasapi ng Kagan tribe sa pamumuno ni Datu Hadji Adam βCasimβ Tom-Cale. Ipinahayag niya ang taos-pusong pasasalamat at kagalakan ng kanilang komunidad sa tulong na natanggap, na aniyaβy magsisilbing daan sa mas maraming oportunidad sa pagsasanay at pag-unlad.
Nagbigay rin ng mga mensaheng puno ng inspirasyon, suporta, at pangako sa patuloy na serbisyo sina Esmael W. Ebrahim, Salem C. Demuna, at Suharto S. Wahab mula sa MHSD, na nagpahayag ng patuloy na dedikasyon ng ahensya sa pagpapalakas ng mga pamayanang Bangsamoro at Muslim communities sa labas ng rehiyon.
Mula naman sa hanay ng Local Government Units, nagpahayag ng suporta at pakikiisa sina Raul G. Mabanglo (kinatawan ni Janil Andigan), Leonil D. Ceniza (kinatawan ni Al-Fahad Bagundang), Oliver D. Ceniza, at Ebrahim Pinute.
Bilang tanda ng pasasalamat, iginawad ng komunidad ng Muslim Kagan ang mga plake at sertipiko ng pagkilala kasama ang munting mga token sa MHSD at mga opisyal ng LGU, bilang pagkilala sa makabuluhang ambag ng proyekto sa kanilang pamayanan.
Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng sunod-sunod na turnover projects ng MHSD kaugnay ng pagdiriwang ng ika-7 Bangsamoro Foundation Day 2026, na may temang βBARMM 2026: Simbolo ng Pagkakaisa, Alaala sa mga Sakripisyo, at Pagpapatuloy ng Mas Matatag na Bangsamoro.β
Sa kabuuan, ang pagbubukas ng multipurpose training center sa Pantukan ay patunay ng epektibong pagtutulungan ng BARMM at LGUs sa paghahatid ng kongkretong serbisyo, inklusibong kaunlaran, at pag-asa sa mga komunidad.







Views Today : 86
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 664
Views Last 30 days : 3613
Views This Month : 2331
Views This Year : 18193
Total views : 30328
Leave a Reply