𝐆𝐎𝐁𝐄𝐑𝐍𝐀𝐃𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐆𝐇-𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋 𝐒𝐄𝐂𝐔𝐑𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐌𝐁𝐔𝐒 𝐒𝐀 𝐒𝐇𝐀𝐑𝐈𝐅𝐅 𝐀𝐆𝐔𝐀𝐊

Pinangunahan ni Datu Ali Midtimbang, Gobernador ng Maguindanao del Sur, ang isang mahalagang pulong sa seguridad sa kanyang tanggapan kaugnay ng nagdaang pananambang kay Mayor Akmad Ampatuan ng bayan ng Shariff Aguak.

Dumalo sa pagpupulong ang matataas na opisyal mula sa hanay ng kapulisan at sandatahang lakas, kabilang sina Vladimir Cagara, Edgar Catu, at Jaysen De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office BAR (PRO-BAR).

Sa pulong, masusing tinalakay ang kasalukuyang peace and order situation ng lalawigan, gayundin ang mga agarang hakbang at operational measures na ipinatutupad ng pulisya at militar upang maprotektahan ang mamamayan at maiwasan ang pag-uulit ng kahalintulad na insidente.

Ayon kay Governor Midtimbang, walang dapat ikabahala ang publiko dahil ang naganap na pananambang ay itinuturing na isang isolated case at hindi sumasalamin sa pangkalahatang kalagayan ng seguridad sa Maguindanao del Sur. Binigyang-diin niya na nananatiling matatag ang peace and order condition sa lalawigan.

Tiniyak din ng Gobernador ang mahigpit at tuloy-tuloy na koordinasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, bilang bahagi ng komprehensibong estratehiya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng buong lalawigan.

Sa pagtatapos ng pulong, muling iginiit ng Pamahalaang Panlalawigan ang paninindigan nitong protektahan ang buhay at seguridad ng bawat mamamayan, habang patuloy na pinaiigting ang pagbabantay at intelligence coordination sa lahat ng bayan ng Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020782
Views Today : 80
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 658
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2325
Views This Year : 18187
Total views : 30322