𝐆𝐎𝐕. 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐀𝐋𝐈 𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟗 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐑𝐔𝐊 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐔𝐃𝐀𝐃𝐀𝐓𝐔

Dumalo si Datu Ali M. Midtimbang, Gobernador ng Maguindanao del Sur, sa pagdiriwang ng ika-19 na Founding Anniversary at ika-10 Taruk Festival ng Bayan ng Mangudadatu, na may temang “19 Years Strong and Still Rising! Labinsiyam na Taon ng Pagkakaisa at Kapayapaan Tungo sa Mas Maunlad na Bayan ng Mangudadatu.”

Sa kanyang pagdalo, ipinaabot ni Governor Midtimbang ang taos-pusong pakikiisa at buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa patuloy na adhikain ng bayan para sa kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa. Binigyang-diin ng Gobernador na ang mga ganitong selebrasyon ay hindi lamang paggunita sa kasaysayan, kundi patunay ng matibay na samahan ng pamahalaan at mamamayan sa pagharap sa mga hamon ng panahon.

Kasabay ng selebrasyon ay isinagawa rin ang Give Heart Medical Mission, isang pangunahing programang pinangungunahan ni Governor Midtimbang na layong ilapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa mga mamamayan, lalo na sa mga nasa bulnerable at malalayong lugar. Maraming residente ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal, na nagsilbing konkretong anyo ng malasakit at serbisyong may puso ng pamahalaan.

Ang pagdiriwang ng ika-19 na anibersaryo at Taruk Festival ay naging sagisag ng patuloy na pag-angat ng Bayan ng Mangudadatu—isang komunidad na pinagbubuklod ng pagkakaisa, pinatatatag ng kapayapaan, at pinasisigla ng sama-samang pagkilos tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020791
Views Today : 99
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 677
Views Last 30 days : 3626
Views This Month : 2344
Views This Year : 18206
Total views : 30341