𝐁𝐀𝐀 𝐍𝐨.𝟔𝟎 𝐚𝐭 𝐍𝐨.𝟔𝟏; 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐑 𝐀𝐓 𝐄𝐂𝐎-𝐏𝐀𝐑𝐊 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐌𝐏 𝐀𝐁𝐔𝐁𝐀𝐂𝐀𝐑 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐈𝐑𝐀 𝐈𝐓𝐈𝐍𝐔𝐓𝐔𝐋𝐀𝐊 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐋𝐈𝐀𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎

Mabilis na pagpapatupad ng dalawang batas na lumilikha ng isang lugar ng alaala at isang eco-park na nagpaparangal sa pakikibaka ng bangsamoro ang itinutulak ng Bangsamoro Parliament sa katatapos lamang na oversight hearing noong Pebrero 3,2026.

Nagsagawa ng pagpupulong ang Committee on Trade, Investment and Tourism (CTIT) katuwang ang ilang ministeryovat ahensya upang talakayin kung paano bubuuin ang mga site sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act No.60 at No.61 .

Ang BAA No.60, ay naipasa noong Hulyo 23,2024, na nagdedeklara sa libingan nina Sheikh Salamat Hashim, Founding Chairperson ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) AT abdul Aziz Mimbantas, Vice Chairperson ng MILF para aa military affairs, bilang “Hashim and Mimbantas Memorial Site’.

Ang BAA No. 61 ay nagtatag ng isang memorial marker at eco-park sa Camp Abubakar, Barira, Maguindanao del norte upang parangalan ang Shuhada o mga martir ng pakikibaka ng Bangsamoro

Layunin ng nasabing batas na pangalagaan ang nasabing lugar at bigyang-pugay ang kanilang mga kontribusyon sa Bangsamoro Struggle.

Nagbahagi ng mga detalyadong plano para sa disenyo at pagpapaunlad ng mga site ang mga kinatawan ng mula sa Ministry of Trade, Investment and Trourism (MTIT), Public Works (MPW), Environment, Natural Resources and Energy (MENRE) t Finance, Budget and Management (MFBM) katuwang ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage (BCPCH) at Darul-Ifta.

Binigyang-diin ng mga mambabatas na dapat sumulong kaagad ang mga proyekto upang mapanatili ang kasaysayan ng rehiyon, parangalan ang mga bayani nito at isulong ang turismo.

Ayon kay CTIT Chair Abdullah Hashim na ang komite ay magsasagawa ng mga regular na pagpupulong upang subaybayan ang pag-unlad at tiyakin ang agarang pagpapatupad ng parehong batas.

Bilang bahagi ng hakbang ng BARMM, ayon sa batas upang kilalanin ang kasaysayan at kultura, ang Memorial Site ay magiging isang mahalagang bahagi ng Bangsamoro People.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020813
Views Today : 130
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 708
Views Last 30 days : 3657
Views This Month : 2375
Views This Year : 18237
Total views : 30372