Sa pagpapatuloy ng mapayapang hakbang ng pamahalaan ng Ligawasan, isinagawa ang Integrated Feeding and Conflict Emergency Response Program for Internally Displaced Persons (IDPs) sa Barangay Bulol bilang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kaguluhan sa lugar.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ismael “Boy Hashim” S. Mama at sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), matagumpay na naisakatuparan ang pamamahagi ng mga pagkain at serbisyong pang-emerhensiya bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LGU Ligawasan na matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Layunin ng programa na maghatid ng agarang tulong pangkalusugan at pangnutrisyon sa mga bakwit, lalo na sa mga bata, kababaihan, at matatanda upang masiguro ang kanilang kaligtasan at maayos na kalagayan sa gitna ng krisis.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang mahigpit na koordinasyon sa iba’t ibang tanggapan at ahensya upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga apektadong residente ng nasabing bayan.








Views Today : 132
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 710
Views Last 30 days : 3659
Views This Month : 2377
Views This Year : 18239
Total views : 30374
Leave a Reply