𝐁𝐓𝐀 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐘𝐀𝐑𝐈𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐔𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐋𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐈𝐓𝐈𝐍𝐀𝐊𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐓 𝐊𝐎𝐑𝐓𝐄 𝐒𝐔𝐏𝐑𝐄𝐌𝐀 – 𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐀𝐋𝐆𝐀𝐌𝐀𝐑 𝐋𝐀𝐓𝐈𝐏𝐇

Mariing iginiit ni Algamar Latiph, isang beteranong election lawyer at dating kinatawan sa mahahalagang kaso ng Bangsamoro sa Korte Suprema, na may malinaw at hindi maaaring lampasang limitasyon ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) pagdating sa pag-amyenda ng mga patakaran sa halalan.

Sa kanyang pahayag sa pagdinig ng Senado kaugnay ng Senate Bill No. 1587, binigyang-diin ni Latiph na hindi maaaring galawin ng BTA ang mga probisyong “awtomatikong umiiral” sa ilalim ng pambansang batas at ng Saligang Batas, lalo na yaong may kinalaman sa iskedyul, preparasyon, at karapatan ng mamamayang Bangsamoro na makapaghahalal ng sarili nilang pamahalaan.

Ayon kay Latiph, ang mga amyendang ipinasa ng BTA sa Bangsamoro Autonomy Act No. 35 ay hindi simpleng reporma, kundi hakbang na may malalim na implikasyong konstitusyonal, dahil tinatamaan nito ang umiiral na legal na balangkas na itinakda ng Kongreso at pinagtibay ng Korte Suprema.

Binigyang-diin niya na ang Republic Act No. 12123 ay isang buhay at umiiral na batas na hindi pa idinedeklarang unconstitutional, at samakatuwid ay hindi maaaring balewalain o palitan ng rehiyonal na lehislasyon. Aniya, malinaw sa batas na may mga probisyong awtomatikong nagkakabisa, at ang papel ng BTA ay hindi upang burahin ang mga ito, kundi tiyaking naipapatupad.

Nagbabala si Latiph na ang patuloy na pagpapaliban ng eleksyon at ang paulit-ulit na pagbabago sa electoral rules ay lumilikha ng “democratic vacuum” sa Bangsamoro—isang puwang na, ayon sa mga pag-aaral, ay maaaring magpalala ng political exclusion at magbukas ng pinto sa instability at ekstremismo.

“Hindi ito simpleng usapin ng iskedyul ng eleksyon,” giit ni Latiph. “Ito ay usapin ng rule of law, separation of powers, at karapatan ng Bangsamoro sa sariling pamahalaan na matagal nang ipinangako sa ilalim ng peace agreement.”

Sa huli, nanawagan si Latiph sa Senado na gampanan ang tungkulin nitong bantayan ang hangganan ng kapangyarihan ng BTA, igalang ang umiiral na batas at desisyon ng Korte Suprema, at tiyaking hindi na muling maaantala ang unang regular na Bangsamoro parliamentary elections, na aniya’y mahalagang haligi ng kapayapaan, demokrasya, at kredibilidad ng buong peace proces

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020815
Views Today : 132
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 710
Views Last 30 days : 3659
Views This Month : 2377
Views This Year : 18239
Total views : 30374