Opisyal na kinumpirma ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato na nabawasan ng P1.58 bilyon ang National Tax Allocation (NTA) ng lungsod para sa taong 2026, batay sa sulat na natanggap mula sa Department of Budget and Management.
Ayon kay Mayor Bruce “BM” Matabalao, una nang ipinaabot sa lokal na pamahalaan ang inaasahang malaking pagtaas ng NTA—mula P1.8 bilyon tungo sa humigit-kumulang P3.4 bilyon, o halos 80 porsiyentong dagdag. Gayunman, bago pa man dumating ang pinal na memorandum mula sa DBM, nakumpleto na ng lungsod ang budget process at naisumite ang executive budget noong Oktubre 1, 2025, nang hindi pa naisasama ang inaasahang karagdagang pondo.
Binigyang-diin ng City Government na bagama’t may malaking bawas sa inaasahang pondo, hindi agad tatanggalin ang mga contractual employees. Gayunpaman, pinayuhan ang lahat ng sektor na maging handa sakaling manatiling hindi mabago ang NTA allocation para sa susunod na taon.
Tiniyak din ng alkalde na magpapatuloy ang mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura ng lungsod. Kabilang dito ang pagtatayo ng dalawang tulay na mag-uugnay sa Bonsain at Poblacion 2 patungong Sultan Mastura, ang rehabilitasyon ng Diversion Road, pagpapalawak ng Cotabato City People’s Palace, at ang improvement ng Cotabato City Gymnasium—na lahat ay nananatili sa development pipeline sa kabila ng hamon sa pondo.
Iginiit ng pamahalaang lungsod na patuloy nitong rerepasuhin ang fiscal strategies upang mapanatili ang mahahalagang serbisyo at maprotektahan ang mga programang may direktang benepisyo sa mamamayan, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa pambansang pamahalaan hinggil sa usapin ng NTA.








Views Today : 130
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 708
Views Last 30 days : 3657
Views This Month : 2375
Views This Year : 18237
Total views : 30372
Leave a Reply