Matagumpay na nagsagawa ang Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC), sa pamamagitan ng Peopleβs Participation and Sectoral Coordination Division, ng benchmarking activity sa iron-fortified rice facilities sa FaeldoΓ± Rice Trading and RM sa Norala, South Cotabato, katuwang ang World Food Programme.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Office of the Provincial Agriculturist at Provincial Engineering Office, na may layuning bigyan ang mga kalahok ng konkretong kaalaman at praktikal na karanasan hinggil sa mga proseso, teknolohiya, at pamantayan sa produksyon ng iron-fortified riceβmula fortification methods, quality control, hanggang operasyon ng pasilidad. Layunin nitong suportahan ang mga lokal na inisyatiba sa nutrisyon at food security.
Dumalo rin sa benchmarking ang Ministry of Science and Technology, LGU ng South Upi, at ang Alrahman Cooperativeβpatunay ng malakas na multi-sectoral collaboration at pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, LGUs, at mga community partner.
Sa kabuuan, pinatatag ng aktibidad ang ugnayan ng mga stakeholder at pinalakas ang kakayahan ng mga kalahok na magplano at magpatupad ng iron-fortified rice initiatives bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya laban sa micronutrient deficiencies at para sa mas malusog na komunidad.








Views Today : 131
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 709
Views Last 30 days : 3658
Views This Month : 2376
Views This Year : 18238
Total views : 30373
Leave a Reply