𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐗𝐈𝐈 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑 𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐒𝐔𝐍𝐃𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍 𝐅𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔

MAGSISIMULA ang mas pinaigting na laban kontra malnutrisyon sa Maguindanao del Sur matapos magsagawa ng courtesy call ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD XII) sa Pamahalaang Panlalawigan upang pormal na makipag-ugnayan para sa implementasyon ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrition (BANGUN) Feeding Program sa lalawigan.

Nakipagpulong ang delegasyon ng DSWD XII kay Nur-Ali U. Midtimbang, Provincial Administrator, upang ilahad ang layunin, saklaw, at target beneficiaries ng 2026 BANGUN Feeding Project. Layunin ng pagbisita na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng DSWD at ng Provincial Local Government Unit (PLGU) upang matiyak ang maayos at epektibong implementasyon ng programa.

Ayon sa DSWD XII, kabilang sa mga target na lugar para sa 2026 rollout ang mga bayan ng Datu Anggal Midtimbang at Shariff Aguak. Saklaw ng programa ang mga batang may edad 0–12 taong gulang sa komunidad, paaralan, at mga madaris, gayundin ang mga buntis at nagpapasusong ina—bilang hakbang upang mabawasan ang insidente ng malnutrisyon sa lalawigan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan sa inisyatiba at tiniyak ang kanilang buong suporta sa mga programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng mga vulnerable sectors, lalo na ng mga bata at ina sa Maguindanao del Sur

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020794
Views Today : 104
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 682
Views Last 30 days : 3631
Views This Month : 2349
Views This Year : 18211
Total views : 30346