Opisyal nang naiturn-over ang isang Garbage Truck Compactor para sa Bagua II sa isinagawang turnover ceremony sa OCM Quadrangle ngayong Pebrero 20, 2026.
Personal na tinanggap ni Punong Barangay Fahad B. Singh ang nasabing unit na pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) sa inisyatiba ng Alindatu K. Pagayao, katuwang ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE-BARMM) at iba pang stakeholders.
Layunin ng proyekto na palakasin ang solid waste management sa barangay, maiwasan ang tambak na basura, at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran—isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas episyenteng serbisyo publiko.
Ayon kay Kap Singh, malaking tulong ang bagong garbage truck upang mapabilis ang koleksyon ng basura at agarang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad. Aniya, ito ay malinaw na patunay ng suporta ng Bangsamoro Government sa pagpapalakas ng serbisyo sa antas-barangay.
Nagpasalamat din ang punong barangay kina MENRE Minister Akmad Brahim, Abdulmaoti Akmad, SDF-TDIF PMO Atty. Badr Salendab, at sa Bangsamoro Government sa ilalim ng pamumuno ni Interim Chief Minister Abdulraof A. Macacua.
Tiniyak ni Kap Singh na patuloy niyang isusulong ang mga programang magpapaunlad sa Bagua 2 tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas progresibong pamamahala.








Views Today : 106
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 684
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2351
Views This Year : 18213
Total views : 30348
Leave a Reply